Saturday, September 6, 2014

Liham Pang-unawa

Huwag ka sana magalit kung hindi kita binati sa kaarawan mo. Sana ay hindi ka magtampo nang hindi kita nginitian nang magkasalubong tayo. Hindi ako nagkwento tungkol sa mga nangyari sa akin sa nagdaang Sabado, kahit nasa tabi lang kita.

Hindi ako galit sa iyo, o kung anupaman.

Malungkot ako. Nais kong manahimik at mapag-isa. Wala akong nais sabihin. Walang laman na mga salita ang aking isipan.

Hindi ko nakalimutan ang lahat ng mga bagay na ating pinagsaluhan.

Patawad sa aking pagkukulang. Sana ay maunawaan mo. Magtiwala ka, pinipilit ko maging masaya. Ganunpaman, hindi ako umaasa. Hindi na maibabalik ang dating samahan.

No comments:

Post a Comment